Ito ang naging pahayag sa isang Regular Session
ni Konsehal Reynaldo Salve na isang abogado matapos naipahayag
ng Hepe ng Kapulisan ng Tagum na si Chief Inspector Dario Gunabe
tungkol sa mga batang menor de edad na nasangkot sa kriminalidad.
Ayon sa hepe, dahil sa panukalang batas, Juvenile Justice Act
na nagbibigay proteksiyon sa mga batang menor na sangkot sa anumang
krimen ay hindi ito maaring ikulong.
Nilinaw ng Konsehal na maari pa ring ikulong ang sino mang
batang menor na nahuli o nasangkot sa anumang krimen basta't
gawin lamang ang proseso para kasuhan ang mga ito. Tanging ang
korte lamang daw ang siyang may karapatan na magbigay ng desisyon
ukol sa nasabing batas. Iminumungkahi ni Konsehal Salve, "Oo,
maaring kasohan ang mga menor de edad, mga kabataang lampas
kinse (15) taong gulang, kung alam niya sa "matured"
na pagiisip na masama ang paglagpas sa batas "with discernment".
Meron pa rin daw "suspension of sentence" para sa
mga nasasakdal na menor de edad na ang ibig sabihin ay masentensyahan
ang menor de edad sa kanyang ginawa sa panahon na siya ay nasa
tamang edad na.
Ang isinakdal na menor de edad na napailalim sa "suspension
of sentence" ay ilalagay sa superbisyon sa Departamento
ng Social Welfare and Development hanggang sa siya ay umabot
sa tamang edad na handa nang silbihan ang kanilang sentensya.