City March

“TAGUM MABUHAY KA”
(Tagum City March)

Sa Lupain ng pangako ay may isang paraiso
Ang matatag at matatayog niyang bundok
ay sagana sa saging at ginto.
Mga bukid niya at mga parang
at mga luntiang palayan.
Saang dako man kung iyong pagmamasdan
Ito’y larawan ng kasaganahan

Tagum Mabuhay Ka (2x)
Na’ sa ‘yo ang bukas na walang kasing ganda
Tagum Mabuhay Ka (2x)
Paraisong puno nang pag-asa.

Ang lahat niyang nasasakupan.
Nagmamahal sa kapayapaan
Nagkakaisa lahat at nagtutulungan
Patungo sa mithing kaunlaran
Di magtatagal maabot din.
lahat ng pinapangarap natin
Kapit kamay lahat ay ating harapin
Ang tuktok ay kaya nating abutin

(Repeat Chorus)

City Ordinance 19 Series of 2000
Revised Ordinance adopting “Tagum Mabuhay Ka” as the official Tagum City Hymn/March

Download (PDF, 13KB)